Skip to content. | Skip to navigation

Personal tools
You are here: Home FIRE 90-anyos na lalaki, patay sa sunog sa Butuan

90-anyos na lalaki, patay sa sunog sa Butuan

Richmond Hinayon, ABS-CBN News Posted at Apr 04 2018 12:58 PM | Updated as of Apr 04 2018 01:50 PM BUTUAN CITY - Sunog na bangkay ng isang senior citizen ang natagpuan ng mga bumbero nang kanilang respondehan ang sunog sa Purok 1F, Barangay Bit-os sa bayang ito.

null

Natupok ang bahay ni Raymundo Abalos dahil umano sa kalan na naiwang may apoy at nakasinding sigarilyo. Nasawi ang 90-anyos na si Abalos sa insidente. Richmond Hinayon, ABS-CBN News

BUTUAN CITY - Sunog na bangkay ng isang senior citizen ang natagpuan ng mga bumbero nang kanilang respondehan ang sunog sa Purok 1F, Barangay Bit-os sa bayang ito.

Ayon sa mga kapitbahay ni Raymundo Abalos, 90, nagsimula ang sunog bandang alas-7:35 Miyerkoles ng umaga at mabilis nitong tinupok ang bahay na gawa lamang sa nipa at light materials. 

 

Nakuha ng mga bumbero ang bangkay ni Abalos sa kaniyang kuwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng kalan na naiwang may apoy at nakasinding sigarilyo ang sanhi ng sunog dahil ayon sa mga kapitbahay, mahilig manigarilyo sa kanyang kuwarto ang matanda. 

Posibleng nakatulog umano ito habang nag-aantay na nagpapakulo ng tubig. 

Mag-isa lang nakatira sa bahay ang biktima at matagal na rin itong balo at walang anak. Ayaw din umano nitong makitira sa kanyang mga pamangkin. 

Tinatayang aabot sa P5,000 ang napinsala sa sunog.

 

SOURCE: ABS-CBN

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies