Skip to content. | Skip to navigation

Personal tools
You are here: Home INCIDENT UPDATES "17 sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa Baclaran"

"17 sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa Baclaran"

ABS-CBN News Posted at Mar 09 2018 10:08 AM | Updated as of Mar 09 2018 11:11 AM

MANILA (UPDATED) – Nasa 17 katao ang sugatan sa naganap na karambola ng 11 sasakyan, Biyernes ng umaga sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon kay Rolly Venturado ng Parañaque Disaster Risk Reduction and Management Office, sa 17 na dinala sa San Juan de Dios Hospital, isa rito ay may malalang sugat sa ulo at katawan.

Naunang binanggit ni Barangay Baclaran Ex-O Bong Comparativo na nasa 30 ang nasugatan sa aksidente pero ang iba ay nagsiuwian na dahil nagtamo lamang ng minor injuries.

Nakunan pa ni Bayan Patroller Joey Palogme ang karambola sa northbound lane ng Baclaran, Roxas Boulevard pasado alas-8 ng umaga.

Ayon kay SPO3 Christopher Nollido ng Police Community Precinct 1 ng Baclaran Police, hindi umano kumagat ang preno ng tourist bus na Classic Leisure International Travel and Tour may plakang TYT 831 kaya't nabangga nito ang mga sasakyan sa harapan. 

Bukod sa tourist bus, sangkot sa road crash ang 4 na jeep, 3 UV Express, isang motorsiklo, isang SUV at isa pang bus.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang drayber ng bus na itu-turnover sa traffic sector ng Parañaque Police.

Naialis na rin sa lugar ang mga nasangkot na sasakyan sa karambola. May ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM

SOURCE: http://news.abs-cbn.com/news/03/09/18/17-sugatan-sa-karambola-ng-11-sasakyan-sa-baclaran

Document Actions
  • Powered by Digital Information Systems and Technologies